Disiplina sa Sarili

Disiplina sa Sarili

Nitong nagdaang Year End Party 2023 ay may napatunayan akong likas na ugali ng mga Kapwa Panday. Yun ay ang pagkakaroon ng DISIPLINA SA SARILI. Bakit ko ito nasabi?
Dahil after ng party, habang hinihintay ko ang aming mga Kapwa Probee na matapos sa kanilang picture taking session ay narinig ko ang dalawang crew na nagliligpit ng mga table na nag-uusap.
Nabanggit nila na ang linis daw ng bawat table. Di raw sila mahihirapan maglinis. Di raw katulad sa mga nagdaang event na inasikaso nila. Ibang-iba raw po ang mga taga-Pandayan.
Nakakataba lang po ng puso na marinig yun sa kanila dahil naging trademark na rin ng ating kompanya ang pagiging disiplinado. Isang patunay ito na kalakip sa buhay ng bawat isa ang tinuturo sa atin ng Kultura ng Tagumpay.
 
JVC Note: Ang mga Panday ay tulad ng mga Hapon na naglinis ng kanilang mga upuan sa stadium kahit natalo ang kanilang koponan sa soccer.